Crossing Streets, Crossing Life

Image

 

“Bago ka tumawid, tumingin ka muna sa kanan at kaliwa.”

Tanda kong madalas sa ‘kin sabihin ito ni Mama noong bata pa ako, at hanggang ngayon ginagawa ko ito. Minsan pa nga sabi ng isang kaibigan:

“Takot kang tumawid no?!”

Hindi ko alam, pero siguro nga takot ako, o siguro nasanay lang ako na maging maingat dahil sa murang edad sinanay ako sa ganoong paraan. Ewan ko ba, di naman ako likas na maingat sa lahat ng bagay, madalas pa nga nawawala ko ang mga gamit dahil sa pagiging careless. Pero pagdating sa tawidan iba ang ingat ko, alam mo ‘yung parang kahit normal na kalsada lang ang dadaanan ko ay parang EDSA na ang dating. ‘Yung parang kaunting pagkakamali lang severe na ang resulta, pero totoo naman diba, kaunting pagkakamali lang malaki na ang maaring kalabasan.

Ang pagtawid sa kalsada ay maituturing kong katulad ng Butterfly Effect—iyong tipong change one thing changes everything. Kung baga bago mo gawin kailangan mong pagisipan, at minsan kailangan mo itong gawin ng mabilis, kailangan mong magdesisyon agad na may tamang timing kung di maiiwan ka.

 Ang galing nga, ang simpleng tamang pagtawid sa kalsada ay hindi ko akalaing ganito pala kalaki ang epekto sa buhay ko. Siguro nga isa ito sa maraming bagay na minsan hindi natin maintindihan sa ating mga magulang, partikular sa mga nanay, na kalaunan maiisip lang natin sa huli na: “ah,kaya pala nasabi ni Mama ‘yun. Ito pala ang ibig nyang sabihin.”  

Siguro kung hindi nagtiyaga si Mama dati na paulit-ulit ituro sa akin ang tamang pagtawid hindi ko mararating ang kinatatayuan ko ngayon—hindi ko naman sinasabing malayo na ang narating ko. Pero sa tingin ko ang tamang pagtingin sa kanan at kaliwa ay hindi lang para sa kalsada. Minsan, kung di man madalas, ito ay parehas din ng ating mga desisyon sa buhay. Madalas, kailangan mong tingnan ang kanan at kaliwang bahagi ng buhay. Madalas, kailangan mong lakasan ang loob mo sa kabila ng maraming sasakyan na maaaring tumama sa iyong paglalakbay, at madalas tamang timing, bilis at hakbang ang susi sa paroroonan.

Astig nga, sa mga turong ganito ni Mama mapagtatanto ang tunay na liwanag ng isang ina. Ang simpleng luto nya sa umaga ang magbibigay sa’yo ng lakas para harapin ang pagsubok ng buong araw. Ang simpleng paalala nya na “kumain ka na ba?” ang nagpapaalala na sa kabila ng hectic mong schedule ay kailangan mo pa din tumigil sandali at ilaan ang iyong oras sa ibang importanteng bagay. At higit sa lahat, ang kanyang simpleng pagmamahal ay nagpapakita na ang tunay na kasiyahan ay di masusukat sa pagtanggap ng regalo o pagkakaroong ng mamahaling mga bagay, dahil ang simpleng pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak ay ang tunay nilang kasiyahan.

Siguro nga hindi ako mabibigyan ng pagkakataon para maintindihan ang tunay na koneksyong meron ang isang ina sa kanyang anak—simula ng pagbuo sa sinapupunan hanggang sa pagsilang. Pero lubos kong ikasisiya na ang ina ng aking magiging anak ay ibibigay ang klase ng pagmamahal na aking naramdaman at ituturo ang mga aral na aking natutunan mula sa aking nag-iisang ina.

At sana, hindi n’ya makalimutan ang tamang pagtawid sa kalsada.

Advertisements

One response to “Crossing Streets, Crossing Life

  1. Pingback: Crossing Streets, Crossing Life | dontworrybehappy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s