The Shortest Love Letter

Nag-iisip ako, nag-iisip ng sobra, pinipilit alamin kung paano sasabihin sa’yo ang kanina pang umagang gumugulo sa akin isip. Ang hirap, ang hirap dahil di ko mabuo ang salita na kahit anong pilit ay ayaw kumawala sa akin bibig. Kailangan ko ‘to, kailangan kong sabihin at kailangan kong sabihin ng mabilis. Sa sobrang bilis, paikot-ikot, patakbo-takbo ayaw huminto, pero kailangan na. Sa huli wala kong magawa, walang mapili, walang masabi, kundi mahal kita. Mahal kita at mahal na mahal kita.

Uulan! Drawing ka ng Araw!

Image

Tanda ko pa dati, noong dating dati kung saan ang ipad ay tanging kaibigan palang ni Steve Jobs sa kanyang isip. Kung kailan hindi ko pa alam na mas magaling akong magsulat kesa mag-drawing, at noong hindi pa ‘ko marunong pumunta sa crossing.

Mahangin noon, matingkad ang araw, at lubos ang aking galak dahil alam ko,  ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso—ginawa ang araw na ito para sa akin!

Mayabang kong nilakad ang kalsada papasok sa loob ng gusali, tiningnan sa noo ang bawat taong nakasalubong at nginitian ang lahat ng dingding sa kapaligiran. Wala akong pakialam, ‘di mahalaga kung mukha akong tanga sa tingin ng iba, basta ang mahalaga akin ang araw na ‘to!

Usap-usap sandali, payo ng kaunti at heto handa na ako. Agad kong nilabas ang aking apat na ballpen, tatlong lapis, dalawang eraser, ruler, triangle, compass, at isang milyong yabang bago pa sabihin ng tao sa harapan ang mechanics.  ‘DI ko na matandaan ang mga sinabi nya, basta ang nasa isip ko madami akong kalaban at ang lalaking nasa harapan ko ang pinakamalupit sa kanila. May t-square s’yang dala, masyado nga lang mahaba para isabit sa maliit n’yang katawan. Sabi pa ni coach architect daw ang tatay n’ya, pero naisip ko, ‘di naman halata. Mas mukha naman akong matalino sa kanya. May cable kaya sila? Bacon at pancake din kaya ang ulam n’ya sa almusal? Nag-jeep ba sya o hinatid ng tatay n’ya sa kotse? Ah! Ewan, basta  ang alam ko di hamak na mas angat ako sa kanya.Period!

Nagsimula ang laban, ginalaw ko ang lapis sa direksyon nang kanan, kaliwa, taas, baba. Bura ng unti, guhit ulit, kaunting sukat ng ruler, bilog gamit ang compass, gawa angle, sukat, guhit, bura, hanggang mamalayan kong pagod na pala ako. Pero di ko tinigil, naisip kong sadya talagang nakakapagod ang gumawa ng bahay. Matapos ang ilang oras napagdesisyunan kong lapatan ng tinta. Dahan-dahan, malumanay dapat, light lang ang hagod, pero ewan ko ba biglang sumabog ang ink, kumalat hanggang sa hindi ko na mapigilan at tuluyang nilamon ang aking obra. Kawawang Ivan, tapos ang laban!

Nanlumo ako, para bang biglang umulan at nabasa ako, pawis na pawis ang kili-kili ko. Agad kong tiningnan ang paligid, nag-isip nang mabilis kung pano aayusin ang kumalat na tinta, pero sa bawat solusyon na akin gagawin parang lalong nasisira ang gawa ko.

“Grabe, natataranta na ako, 30 minutes nalang tapos na ang laban at ito ako hindi alam ang gagawin habang ang iba ay relax na relax sa kanilang kinauupuan.”  

Fifteen minutes nalang, hanggang sa hindi maintindihang dahilan bigla kong sinabi na:

“suko na ako, ‘di ko na tatapusin ito.”—tapos ang kwento.

Hanggang ngayon hindi malinaw sa akin ang nangyaring iyon. Nagkulang ba ako sa practice? Masyado ba akong confident na akala ko kusang gaganda at matatapos ang drawing para lang sa akin? Baka mali ang pakiramdam ko, na ang katotohanan ay sadyang hindi para sa akin ang araw na iyon? Hindi ko alam. Pero ang isang bagay na alam ko, mali na sukatin ang kalalabasan ng isang bagay base sa pinagsimulan nito, at maling mali na gamitin ang bacon at pancake na analysis sa isang laban.

Umulan, araw na ang kasunod nyan.

*PARA SA LAHAT NG NAGING WASAK PERO NANINIWALANG WAGAS ANG PATUTUNGUHAN.

*Art courtesy of Riza Turker

Gagawan Kita ng Tula

Well, hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong gumawa ng tula at hanggang ngayon pang-text parin ang tagalog ko. Pero bakit ba? Eh kung ito lang ang binigay na kakayahan sa akin at kung hanggang dito lang talaga ang aking kapasidad. Bigla ko tuloy naisip, ano bang meron sa tula na wala sa isang normal na essay? Bakit ba pag tula parang ang lalim ng dating, parang mas pure ang atake at mas romantic sa mga chicks?

Pero ayon sa isang kaibigan:

“’Wag kang tumingala’t manungkit sa langit kung tutula—narito sa tigang na lupa ang talinghagang dakila”

Cute diba? Sa totoo lang magaling talaga s’yang tumula. Sa katunayan nga sa kanya ko nalaman na hindi pala requirement ang malalalim na salita at gaya ng ibang genre, tuloy-tuloy ang pagbabago nito, ika nga, may contemporary poetry din. Siguro kung mag-aaral ulit akong tumula, gusto ko katulad n’ya ang magtuturo sa akin. Alam ko prof. parin s’ya sa Dasma ngayon eh.

Kanina lang gusto kita gawan ng tula, pero matapos ang limang minuto na pag-iisip napagtanto kong pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Bakit pa ako tutula kung kaya ko naman iparating ang gusto kong sabihin sa ibang paraan na alam kong mas komportable ako? Parang composer at singer, bakit ka kakanta kung alam mong mas maraming matutuwa kung magsusulat ka?

Pero naisip ko, mas astig tumula sa mga chicks at mas magmumukha akong magaling kung magagawa ko ito. Pero, ‘yun nga ba talaga ang sukatan ng ka-astigan? Mas astig ba si Lourd de Veyra kay sa kay Bob Ong, o mas astig ‘yung taong nagpapakatotoo at gumagawa ng obra hindi para suyuin ang katabi kundi para iparating sa puso ang kanyang gawa? Mahirap sukatin ang ka-astigan ng bawat bagay, at hirap akong tumula.

So paano na yan, gagawan ba kita ng tula?

Teka, kaya ko naman pala sabihin sa harapan mong mahal kita.

kaso.

Crossing Streets, Crossing Life

Image

 

“Bago ka tumawid, tumingin ka muna sa kanan at kaliwa.”

Tanda kong madalas sa ‘kin sabihin ito ni Mama noong bata pa ako, at hanggang ngayon ginagawa ko ito. Minsan pa nga sabi ng isang kaibigan:

“Takot kang tumawid no?!”

Hindi ko alam, pero siguro nga takot ako, o siguro nasanay lang ako na maging maingat dahil sa murang edad sinanay ako sa ganoong paraan. Ewan ko ba, di naman ako likas na maingat sa lahat ng bagay, madalas pa nga nawawala ko ang mga gamit dahil sa pagiging careless. Pero pagdating sa tawidan iba ang ingat ko, alam mo ‘yung parang kahit normal na kalsada lang ang dadaanan ko ay parang EDSA na ang dating. ‘Yung parang kaunting pagkakamali lang severe na ang resulta, pero totoo naman diba, kaunting pagkakamali lang malaki na ang maaring kalabasan.

Ang pagtawid sa kalsada ay maituturing kong katulad ng Butterfly Effect—iyong tipong change one thing changes everything. Kung baga bago mo gawin kailangan mong pagisipan, at minsan kailangan mo itong gawin ng mabilis, kailangan mong magdesisyon agad na may tamang timing kung di maiiwan ka.

 Ang galing nga, ang simpleng tamang pagtawid sa kalsada ay hindi ko akalaing ganito pala kalaki ang epekto sa buhay ko. Siguro nga isa ito sa maraming bagay na minsan hindi natin maintindihan sa ating mga magulang, partikular sa mga nanay, na kalaunan maiisip lang natin sa huli na: “ah,kaya pala nasabi ni Mama ‘yun. Ito pala ang ibig nyang sabihin.”  

Siguro kung hindi nagtiyaga si Mama dati na paulit-ulit ituro sa akin ang tamang pagtawid hindi ko mararating ang kinatatayuan ko ngayon—hindi ko naman sinasabing malayo na ang narating ko. Pero sa tingin ko ang tamang pagtingin sa kanan at kaliwa ay hindi lang para sa kalsada. Minsan, kung di man madalas, ito ay parehas din ng ating mga desisyon sa buhay. Madalas, kailangan mong tingnan ang kanan at kaliwang bahagi ng buhay. Madalas, kailangan mong lakasan ang loob mo sa kabila ng maraming sasakyan na maaaring tumama sa iyong paglalakbay, at madalas tamang timing, bilis at hakbang ang susi sa paroroonan.

Astig nga, sa mga turong ganito ni Mama mapagtatanto ang tunay na liwanag ng isang ina. Ang simpleng luto nya sa umaga ang magbibigay sa’yo ng lakas para harapin ang pagsubok ng buong araw. Ang simpleng paalala nya na “kumain ka na ba?” ang nagpapaalala na sa kabila ng hectic mong schedule ay kailangan mo pa din tumigil sandali at ilaan ang iyong oras sa ibang importanteng bagay. At higit sa lahat, ang kanyang simpleng pagmamahal ay nagpapakita na ang tunay na kasiyahan ay di masusukat sa pagtanggap ng regalo o pagkakaroong ng mamahaling mga bagay, dahil ang simpleng pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak ay ang tunay nilang kasiyahan.

Siguro nga hindi ako mabibigyan ng pagkakataon para maintindihan ang tunay na koneksyong meron ang isang ina sa kanyang anak—simula ng pagbuo sa sinapupunan hanggang sa pagsilang. Pero lubos kong ikasisiya na ang ina ng aking magiging anak ay ibibigay ang klase ng pagmamahal na aking naramdaman at ituturo ang mga aral na aking natutunan mula sa aking nag-iisang ina.

At sana, hindi n’ya makalimutan ang tamang pagtawid sa kalsada.

Like S

Image

I heard someone saying:

“That’s the problem, ok s’ya. It should be better—it should be like me wanting to have sex, it should be juicier…”

 I don’t know if the premise is true, but I think it should be, I mean, not the sex, but the things we want to have—it should be like ice cream melting in a child’s mouth, it should be like biting watermelon in the middle of Sahara or at least in the middle of Manila.

I remember someone saying that to me before, but I also remember not following it. Probably I was too young to understand or I was too stubborn to accept the advice—I think not much change to date.

I don’t know if that will be a good advice to give, especially if the MTRCB rating is PG-13, but this is one thing I can never do—give guidance that I myself don’t believe. I think that should always be.

Please don’t misunderstand it, I think choosing among your options is not always like ice cream, be it Cornetto or Magnum, sometimes it can be wasabi, sometimes it can even be more sour like tears, like sorrow, like despair. But those things should also be part of the option, sadness I believe is a choice we have, like being happy despite the “whatever” taste of life—and you can always try another dish.

So I guess, if someday my nephew come to me and ask “taba, ano ba dapat ang gusto ko?”  I hope I found an alternative, or else I’ll say:

It should be like S.       

Del Monte 100% Pineapple Juice

Image

Sometimes I wonder why I write more and talk less, and most of the time I associate this idea to the million facts about Kris Aquino—99% of them she herself declared.

Probably, this is the reason why speakers and writers are two distinct people with distinctly ways of expressing their selves. They are like men and women, meat and vegetables, Gloria Macapagal Arroyo and God. They are differently unique, but common in some sense, and one does not exist without the other. Imagine, what if one day all women disappear, would you know you’re a man, “o baka naman ngayon palang hindi mo na alam kung lalaki ka?

I think that is the reason why we all exist—see, this is not only about speakers and writers—we need everyone to see the other side of whatever it is, we need a mirror of someone else to realize the reality we have today, the past we have before and the future we wish to have. And no matter how awful they may be, we need to accept that they are part of our existence and how we see them—may it be a he, she or it—that one thing define our outlook in life. As for me, Gloria Macapagal Arroyo is a dreadful experience, and no one can take that from me, so as your own outlook about her. But no matter what it is, the important thing is you find the guts to stand by it despite the numerous contradictions revolving around it.

As for me I still don’t know why I write more and talk less, but the beauty about it is the opportunity to listen, and that I believe is the most wonderful part of conversation—it is somehow the climax and orgasm of communication. Who cares if I can’t talk more and the title of this essay is 100% pineapple juice, does it kill you?