That High School Feeling

Image

Kamakailan lang nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan ko sa high school:

 

“That high school feeling pag- inaya ka ng crush mong sabay kayong umuwi…hai.”

 

Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi n’ya, pero in a way napaisip ako, somehow naka-relate ako, kung sa bagay sino nga bang hindi? Sa totoo lang wala naman kakaiba sa sinabi nya, isang normal na text mula sa isang normal na experience. In short, no fireworks, no magic spells—normal. Pero, ang isang bagay na kakaiba ay noong oras na nabasa ko ang text ay parang isang mathematical equation ang dumaan sa utak ko. Alam mo ‘yong kahit gaano ka katalino sa math eh mag-iisip ka parin ng tamang first step, parang biglang nag-hung ‘yung utak ko at biglang nag-restart. At sa puntong ‘yon ko lang napagtanto na wala palang mathematical equation, bagkus history pala ang pinag-uusapan.

 

Ewan ko, nakaka-relate naman ako kasi napagdaanan ko din naman ‘yon. Pero ang nahirapan akong gawin ay alalahanin ang pakiramdam ng nasa ganoong sitwasyon, at ang lalong nakakapagtaka ay ang tanong na “bakit”—bakit hindi ko na matandaan?

 

Sa mga oras na ‘to, officially isang taon na akong nagbabayad ng buwis galing sa aking kinikita, in short, isang taon na akong nagtra-trabaho. Buti na lang hindi na si Gloria Macapagal Arroyo ang presidente, siguro laking galit ko dahil alam kong sa kanya lang napupunta ang binabayad ko. Pero bukod sa withholding tax, maraming bagay ang pwedeng ma-realize ngayon. Pero ang isang bagay na gusto kong isipin ay ang katotohanan ng pagtanda. I mean, officially not just physically, sa mga nakakakilala sa akin alam na nila siguro ang ibig kong sabihin, pero basta, wala sa itsura yan, nasa birth certificate ‘yan.

 

Katumbas ba ng pagdagdag ng isa pang taon sa buhay ko ay ang katotohanan na nakakalimutan ko na ang mga bagay na nagbigay buhay sa akin noon? Ito ba ang kapalit ng edad o Alzheimer’s disease lang ‘to? Ewan ko, hindi ko alam ang sagot, pero ang isang bagay na sigurado ako ay ang pagnanais ko na hawakan ang mga bagay na dati ay nagdala sa akin ng kasiyahan. Ang bagay na noong hindi pa uso ang ipad at iphone ay nagbigay sa akin tuwa, ang mga sitwasyong nagdala sa akin ng kilig, ngiti at lubos na kasiyahan. Ito ‘yung mga bagay na nais kong kahit gaano kadami ang madagdag sa puting buhok ko ay mananatiling nakatanim sa puso at isipan ko. Di bale ng busy sa pagpapayaman ng kumpanyang pinagtra-trabahuhan ko o ang pakikialam sa usaping pulitikal at sosyal ng Pilipinas, basta’t ang mahalaga palagi itong manatili sa akin, at para magawa ‘yun kailangan kong magmahal araw-araw.  

Advertisements

The Prayer

Image

Lord,

Today I come to you not as a brave man, but someone who is trying to become one despite all the possibilities of retreat. I come to you as a man aiming to see enlightenment despite all the darkness occurring in my heart. I seek wisdom through your voice in this moment of despair, anxiety and confusion. Provide me with understanding to see beyond anger and selfishness, to not only know what is right, but to do what must be done despite the pain and hurt.

Lord, provide me with understanding, wisdom and strength. Provide me with all love necessary to sustain human kindness and understanding. Guide me with all the things I need, guide me in this journey, embrace me so I can embrace this pain and see beyond. Lord, teach me to love more, to understand more, and to be wiser and braver in this moment of suffering.

Lord, I surrender myself to you.

Amen.